Filipiniana-Grupo Progreso
Friday, March 20, 2015
Monday, March 16, 2015
Wednesday, March 11, 2015
Maikling kwento
Maikling kwento - ay isang anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. nag-iiwan ito ng isang kakintalan sa mambabasa at maaring matapos sa isang upoan lamang.
Mga Bahagi
Mayroong limang bahagi ang maikling kwento:
Panimula - ay ang bahaging na siyang guguhitan nang mga pangayayari sa kwento. Mahalagang maging kapansin-pansin ito upang mabihag ang kawilihan ng bumabasa.
Saglit na kasiyahan- ay ang bahaging naglalarawan ng simula patungo sa paglalahad ng unang suliraning inihahanap ng lunas. Dapat maging kaakit-akit ang bahaging ito sa bumabasa at madama niya ang magaganap na pangyayaring gigising sa kanya ng isang tiyak na damdamin.
Suliranin inihahanap ng lunas- ang mga suliranin ay kinakailangang magkakaugnay mula sa simula hanggang sa paglalapat ng mga karampatang lunas sa bawat suliranin.
Kasukdulan- ito ay bahaging kinaroroonan ng pinakamasidhing pananabik o karurukan ng pananabik.
Kakalasan o Wakas - dito binibigyan ng pagkakataon ang mga mambabasa na tapusin ang kuwento atmagkkaroon ng pagkakataon na gamitin ang kanyang pag-iisip.
Mga Sangkap ng Maikling Kuwento
- Tagpuan - ang pook o lugar na pinangyarihan ng kuwento.
- Banghay - ang kabuuan ng isang kwento. Ang kawil ng mga pangyayari ay batay sa pagkakatulad nito mula umpisa hanggang sa kasukdulan sa bahaging ito nilulutas ang tunggalian ng mga tauhan sa kuwento.
- Tauhan- ang mga taong nagbibigay buhay sa takbo ng mga pangyayari sa kuwento.
Mga katangian ng Maikling Kuwento, ayon kay G. Alejandro G. Abadilla
- May paksang diwa
- May banghay
- May paningin
- May himig
- May salitaan o diyalogo
- May kapananabikan
- May galaw
- May patunggali
- May kakalasan
- May suliranin
Ang maikling kwento ay may mga sumusunod na uri:
Kuwentong Nagsasalaysay - masaklaw, timbang na timbang ang mga bahagi, maluwag at hindi apurahan ang paglalahad.
Kuwentong Katutubong Kulay - binibigyang diin nito ang tagpuan at kapaligiran ng isang pook. Masusing inilalarawan ang mga tao sa isang pook, pamumuhay nila, ang kanilang mga kaugalian at gawi na napapaloob sa kuwento.
Kuwentong Sikolohiko - nilalarawang mabuti nito ang mga tauhan sa isipan ng mga mambabasa upang maipadama ang damdamin at nararanasan ng isang tao sa harap ng isang pangyayari o sitawasyon.
Kuwentong Talino - mahusay ang pagkakabuo ng balangkas nito. Kailangang lumikha ang may akda ng makasuliraning kalagayan upang mamahay sa pag-aalinlangan hanggang ang takdang oras ay sumapit ang paglalahad ng kalutasan
Kuwento ng Katatawanan- ang takbo ng pangyayari ay may kabagalan at may mangilan-ngilang paglihis sa balangkas at galaw ng mga pangyayari.
.Kuwento ng Katatakutan - pinupukaw nito ang kawilihan ng mambabasa sa halip na ang kilos sa kuwento. Binibigyang diin ang mga simulaing kaisahan at bias.
Kuwento ng kababalaghan - binibigyang diin nito amg mga bagay na kapana-panabik, hindi kapani-paniwala at salungat sa hustong bait, kaisipan at karanasan ng tao. Kataka-taka ang mga pangyayari subalit magbibigay ito ng kasiyahan sa mambabasa.
Kuwento ng Madulang Pangyayari - ang mga pang-yayari ay kapansin-pansin, lubahang mahalaga, nagbunga ng isang bigla at kakaibang pagbabago sa kapalaran ng mga tauhan.
Kuwento ng Pakikipagsapalarang Maromansa - nasa balangkas ang kawilihan sa halip na sa mga tauhan ang kawilihan, sa mga kawil ng mga pangyayari ang siyang bumabalot sa pangunahing tauhan.
Nawawala ang prinsesa gabi-gabi ngunit, walang makapagsabi kung saan siya pumupunta.
Nagpabalita na ang hari na ang sinumang makapagtuturo kung saan tumitigil ang anak tuwing hating-gabi ay bibigyan ng kalahati ng kaharian at, kung binata, ay ipakakasal sa prinsesa. Ngunit, kapag nabigo ang nagprisintang magbabantay, pupugutan siya ng ulo.
Marami ang nagtangkang makipagsapalaran hindi lamang dahil sa kayamanang matatamo kundi dahil sa napakaganda raw ng prinsesa. Ang lahat ng mga ito ay nabigo. Wala pa ring makapagsabi kung bakit nawawala ang prinsesa sa hating-gabi.
Sa kalagitnaan ng gubat na malapit sa palasyo, may isang dampang tinitirhan ng isang matandang mangkukulam. Isang araw ay dinalaw ang matanda ng binatang napamahal sa kanya dahil madalas siyang tulungan nito.
Ngayon naman, ang binata ang humihingi sa kanya ng tulong. "Maganda pong talaga ang prinsesa kaya tulungan po ninyong magtagumpay ako sa kanya."
Binigyan siya ng matanda ng isang balabal na kapag kanyang isinampay sa mga balikat niya ay hindi siya makikita ninuman. Binindisyunan siya ng matanda at pinagbilinang magpakaingat bago siya nagpaalam.
Nang gabi ring iyon, nasa labas na nga siya ng silid ng prinsesa at handang magbantay. Biglang nabuksan ang pinto at tumambad sa kanyang paningin ang napakagandang binibini.
May iniabot sa kanyang isang basong inumin na noong makatalikod ang prinsesa ay kanyang itinapon sa isang masitera ng halaman. Naluoy agad ang mga dahon ng halaman.

Nagkunwaring natutulog, ang binata sanhi ng tinunggang inumin. Nang maramdaman niyang lumabas sa silid ang prinsesa, isinoot niya ang mahikang balabal at sinundan niya ito. May dinaraanan palang tagong pintuan ito na palabas sa palasyo.
Sumakay sa isang naghihintay na karwahe ang prinsesa. Di nito alam ay kasama ang binata dahil hindi niya nakikita ito.
Nagtuloy sa isang malayong gubat ang karwahe. Sa gitna ng mga kahuyan huminto ito at bumaba ang prinsesa. Nakipag sayaw siya sa mga gitanong nagkakaipon doon at nagsasaya.
Sa likod ng isang puno, tinanggal ng binata ang kanyang balabal at naglagay ng maskara.
Nilapitan niya ang prinsesa at sila'y nagsayaw. Nagsayaw sila nang nagsayaw hanggang mapagod ang dalaga at halos mabutas ang mga suwelas ng sapatos.
Muling isinoot ng binata ang balabal nang paalis na ang karwahe at sila'y bumalik sa palasyo.
"Masasabi mo ba kung bakit nawawala ang prinsesa sa hating-gabi?" tanong ng hari nang humarap sa kanya ang binata kinaumagahan.
"Opo, Mahal na Hari! Nakikipagsayaw po siya sa mga gitano sa gubat gabi-gabi. Ito po ang katunayan-itong halos warak nang sapatos na kinuha ko sa kanyang pinagtapunan matapos na makasayaw siya."
Ipinatawag ng hari ang prinsesa at hindi naman ito makatanggi sa amang nagpakita ng katunayan. Balak pa sana ng prinsesa na umayaw na maging asawa ang binata, ngunit nang ilagay nito ang maskara, nakilala niya ang kasayaw na kinagiliwan nang nagdaang gabi.
Tumugtog ang banda at masuyong niyaya ng binata na magsayaw sila ng prinsesa na masaya namang yumakap sa kanya.
Mga Halimbawa ng Maikling Kuwento:
Kuwento ng Katutubong Kulay
Kuwentong Katatawanan
Kuwento ng Katatakutan
Ang Nawawalang Prinsesa
“ Maling Akala “
( Kwento ng katatakutan )
Ni: Darhyl John B. Cacananta
Ang
buong paligid ay nabubudburan ng liwanag na nagmumula sa bilog na bilog
na buwan. Malamig ang simoy ng hangin at nakakakilabot ang katahimikan.
Iyan ay ilan lamang sa salitang naglalarawan sa isa sa mga tauhan sa
kwento.
“ Mga friend, malapit na ang semestral break ah!!! Saan ba tayo magbabakasyon.”patanong wika ng isa sa aking mga kabarkada.
“ Ah gusto niyo ba ang magbakasyo “ natutuwang sagot ng isa sa mga kamag-aral ni Aritha.
“Oo naman ah!!!
Napakasaya kaya ng ganuon sapagkat malaya tayo at wala sa pangbabawal
ng ating mga magulang. Nakababagot naman kasi ang mamalagi sa bahay ng
napaka habang panahon at naghihitay lamang sa paglubong ni pebong araw
“. Pagpapahayag ni Luisa.
“
Oh sige duon nalang tayo sa probinsya ng aking lola, tahimik duon at
napakaganda ng tanawin”. Panghihikayat ni Marita sa kaniyang mga
kaibigan.
Ang
akala ni Elea ay iyon ang magiging napakasayang karanasan na kanyang
mararanasan sa kanyang buhay. subalit isa palang malaking kamalian ang
kaniyang inakala.
Ikaapat
ng Oktubre ay nagpasya na pumunta sina Aritha, Angel, Elea at iba pang
kabarda ni Marita sa probinsya ng kaniyang lola. Sabik na sabik ang
lahat ngunit tanging si Aritha at Elea lamang ang nakapunta sa probinsya
nila Marita sapagkat ang ilan ay hindi pinayagan sa kabila ng kanilanh
pagnanais.
Hindi
sukat akalain ni Aritha at Elea na ganuon na lamang kalayo ang lugar na
kanilang pupuntahan. Halos walang magkagusto na ihatid sila sa lugar na
dapat ay kanilang pupuntahan na tila ba may isang misteryosong bagay na
naroroon sa lugar na kanilang pupuntahan.
Kahit
gaano kalaki ang bayad na sabihin nina Aritha, Elea at Marita sa Driver
ng sasakyan ay hindi nila gusto na ihatid sila mismo sa lugar na
sinasabi ni Marita. Kaya’t ganuon na lamang ang pagtataka ni Aritha at
Elea kaya naman ang kanilang naramdaman ay mayroon ng kahalong takot at
kilabot. Ngunit sa kabila ng kanilang nararamdaman ay wala na silang
ibang magagawa kundi ang tumuloy sapagkat isang sakayan na lamang ay
naruon na sila sa banyan ng kanilang lola.
Nadagdagan
pa ang takot na nadama nina Aritha at Elea nang sila bumaba na sa
sasakyan at sinabi ng driver sa kanila na mag-ingat kayo at sana ay
makaalis kayo sa lugar na pupuntahan niyo nang buhay. Nais nang hindi
tumuloy nina Aritha at Elea ngunit tila ba mayroong hangin na siyang
humahalina sa kanilang dalawa.
Pagkatapos
ng tatlong oras na paglalakad mula saa lugar na pinagbabaan nila nang
sila ay inihatid ng driver ay nagula’t na lamabng sila at ang lahat ay
napakasaya at natatayo ng mga poste, naglalagay nang banderitas at
marami pang bagay na mayroong kinalaman sa pista. Ngunit ang
nakapagtataka sa mga taong naroon ay sa kabila ng kanilang mga nguti na
sumalubong sa kanila ay ganuon na lamang ang titig ng lahat kina Aritha
at Elea habang naglalakad sa kanilang kalagitnaan.
Sa
isang bahay na may bubung na kugon tumuloy sina Aritha, Elea at Marita.
Ganuon nalamang ang gulat ng dalawang bisita sapagkat maroon nang
nakahandang higaan para sa kanilang tatlo. Sa isang sulok ay mayroong
matandang tila isang dekada nang hindi nasikatan ng araw sa sobrang puti
at isang dekada na rin na hindi nagpagupit. Ganuon na lamang ang takot
na nadama ni Aritha at Elea sa kanilang isip ay bakit pa ba sila tumuloy
at pumunta sa lugar na iyon. Hindi pa sila nagtatagal sa lugar na iyon
ay ninanais na nilang bumalik ulit sa Manila at magkulong na lamang sa
kanilang mga bahay. Subalit ang lahat ay naroon na at wala na silang
magagawa kundi ang palipasin ang mga araw at hintaying sila ay makauwi
na nang Maynila.
Lumipas ang
mga araw at gabi. Isang hapon habang si Aritha at Elea ay nasa loob ng
kubo ay nagpaalam itong si Marita na mayroon lamang siyang pupuntahan at
babalik din daw siya kaagad. Sa may durungawan na bintana ay makikitang
ang mga tao ay naghihihintay sa pagpanaog ni Marita. Napakasama ng
tingin ng mga tao kina Arita at Elea na tila ba gusto silang kainin ng
mga ito. Subalit nagbago ang mga iyon ay nawala ng pumanaog na si Marita
at may salitang binanggit. Ngunit ang salitang iyon ay hindi naunawaan
ni Aritha at Elea sapagkat ito marahil ay nakabilang sa grupo lamang
nina Marita.
Nakatulog
na ang dalawa sa kahihintay kay Marita. Nagising na lamang si Aritha
dahil sa mayroon siyang narinig na nag-uusap sa may bandang pinto ng
kubo na kanilang kinalalagyan. At nagulat nalamang si Aritha sa huling
salita na kaniyang narinig.
“
Bukas ng gabi ay mangyayari na ang lahat, ibibigay dito ang inumin
ninyo upang makatulog silang dalawa at mailuto sa kawa. Ang baso sa
gitna ang dapat mong inumin upang hindi ka makatulog”.
Ang
salitang iyon ang tumatak sa isipan ni Aritha. Pinagpawisan siya ng
malapot dahil sa kanyang narinig at natuklasan. Hindi na sukat akalain
na sila pala ni Elea ang magiging handa para sa pista ng Banya nila
Marita. Ngunit hindi pa huli ang lahat kaya’t may panahon pa para sila
ay makatakas.
Paggising
pa lamang sa umaga ay humahanap na nang pagkakataon si Aritha upang
masabi ang kanyang natuklasan kagabi. Ngunit hindi sila iniiwan ni
Marita at talagang bantay sarado sila habang ang mga tao sa labas ay
nagkakagulo at abala sa paghahanda ng lahat.
Kumagat
na ang dilim ngunit hindi parin nasasabi ni Aritha ang mangyayari
sakanila ni Elea. Ang inumin na magpapatulog sa kanila ay nakahanda na
rin at nasa isang sulok. Buti na lamang at nagkunwaring masakit ang ulo
ni Aritha at pinakuha niya ng gamut si Marita kaya’t nakausap ni Aritha
si Elea ng palihim.
Hindi
makapaniwala si Elea na ganuon ang balak ni Marita sa kanila kaya’t ang
ginawa nila ay pinalo nila ang ulo ni Marita upang ito ay makatulog at
ipinahiga nila si Marita sa kanila higaan upang siya ang makuha at
mailuto ng mga kapwa niya halimaw.
Ang
akala nila ay ganuon na lamang kadali ang pagtakas pero nagkamali sila
sapagkat ang mga taong kanilang nakita nuon ay nagging ibang anyo at
nagging kawangis ng mga aso. At ang mga asong ito ay sabik na makakain
ng sariwang dugo at laman ng isang tunay na tao. Sapagkat sa loob ng
isang taon ay minsan lang silang nag-iibang anyo at kinakailangan nilang
makainum at makakain ng laman ng mortal na tao. Kung hindi ito
mangyayari ay mamamatay silang lahat. Nakalabas na sina Aritha at Elea
sa loob ng kubo. Malayo na ang kanilang narating ng sila ay makarinig ng
isang malakas na alulong ng aso na tila magkahalong puot at pagluluksa
ang ipinahihiwatig. Marahil ay nalaman na nila ang kanilang pagkain ay
ang kanilang kapamil na hindi nila dapat kainin.
Tumakbo
ng mabilis ang dalawa na hindi malaman kung saan sila patungo. Sa di
kalayuan ay mayroon na silang nakita na sumusunod sa kanilang isang
naglalaway at galit na galit ng halimaw. Nadapa si Aritha at sinunggaban
siya nang halimaw at nang aktong kakagatin na siya nito ay bigla nalang
itong tumumba at humandusay sa kanilang harapan. At di nagtagal ay
ngumiti na si pedong araw kina Aritha at Elea na nagpapahiwatig na ang
panganib ay wala na sa kanilang paligid.
Sa
kabila ng takot na kanilang nadama ay nakauwi parin ang dalawa ng
buhay. Ngunit sinabi nila sa kanilang sarili na sa susunod na Semestral
Break ay gugugulin na lamang nila sa kanilang bahay ang kanilang mga bakasyon.
- WAKAS -Kuwento ng kababalaghan
Ang Nawawalang Prinsesa
Filipino » Maikling Kwento » Ang Nawawalang Prinsesa
Ang Nawawalang Prinsesa
Nawawala ang prinsesa gabi-gabi ngunit, walang makapagsabi kung saan siya pumupunta.
Nagpabalita na ang hari na ang sinumang makapagtuturo kung saan tumitigil ang anak tuwing hating-gabi ay bibigyan ng kalahati ng kaharian at, kung binata, ay ipakakasal sa prinsesa. Ngunit, kapag nabigo ang nagprisintang magbabantay, pupugutan siya ng ulo.
Marami ang nagtangkang makipagsapalaran hindi lamang dahil sa kayamanang matatamo kundi dahil sa napakaganda raw ng prinsesa. Ang lahat ng mga ito ay nabigo. Wala pa ring makapagsabi kung bakit nawawala ang prinsesa sa hating-gabi.
Sa kalagitnaan ng gubat na malapit sa palasyo, may isang dampang tinitirhan ng isang matandang mangkukulam. Isang araw ay dinalaw ang matanda ng binatang napamahal sa kanya dahil madalas siyang tulungan nito.
Ngayon naman, ang binata ang humihingi sa kanya ng tulong. "Maganda pong talaga ang prinsesa kaya tulungan po ninyong magtagumpay ako sa kanya."
Binigyan siya ng matanda ng isang balabal na kapag kanyang isinampay sa mga balikat niya ay hindi siya makikita ninuman. Binindisyunan siya ng matanda at pinagbilinang magpakaingat bago siya nagpaalam.
Nang gabi ring iyon, nasa labas na nga siya ng silid ng prinsesa at handang magbantay. Biglang nabuksan ang pinto at tumambad sa kanyang paningin ang napakagandang binibini.
May iniabot sa kanyang isang basong inumin na noong makatalikod ang prinsesa ay kanyang itinapon sa isang masitera ng halaman. Naluoy agad ang mga dahon ng halaman.
Nagkunwaring natutulog, ang binata sanhi ng tinunggang inumin. Nang maramdaman niyang lumabas sa silid ang prinsesa, isinoot niya ang mahikang balabal at sinundan niya ito. May dinaraanan palang tagong pintuan ito na palabas sa palasyo.
Sumakay sa isang naghihintay na karwahe ang prinsesa. Di nito alam ay kasama ang binata dahil hindi niya nakikita ito.
Nagtuloy sa isang malayong gubat ang karwahe. Sa gitna ng mga kahuyan huminto ito at bumaba ang prinsesa. Nakipag sayaw siya sa mga gitanong nagkakaipon doon at nagsasaya.
Sa likod ng isang puno, tinanggal ng binata ang kanyang balabal at naglagay ng maskara.
Nilapitan niya ang prinsesa at sila'y nagsayaw. Nagsayaw sila nang nagsayaw hanggang mapagod ang dalaga at halos mabutas ang mga suwelas ng sapatos.
Muling isinoot ng binata ang balabal nang paalis na ang karwahe at sila'y bumalik sa palasyo.
"Masasabi mo ba kung bakit nawawala ang prinsesa sa hating-gabi?" tanong ng hari nang humarap sa kanya ang binata kinaumagahan.
"Opo, Mahal na Hari! Nakikipagsayaw po siya sa mga gitano sa gubat gabi-gabi. Ito po ang katunayan-itong halos warak nang sapatos na kinuha ko sa kanyang pinagtapunan matapos na makasayaw siya."
Ipinatawag ng hari ang prinsesa at hindi naman ito makatanggi sa amang nagpakita ng katunayan. Balak pa sana ng prinsesa na umayaw na maging asawa ang binata, ngunit nang ilagay nito ang maskara, nakilala niya ang kasayaw na kinagiliwan nang nagdaang gabi.
Tumugtog ang banda at masuyong niyaya ng binata na magsayaw sila ng prinsesa na masaya namang yumakap sa kanya.
Ang Nawawalang Prinsesa
Videochat
Isang maiksing kuwento ng kaganapan mula sa aking bagong trabaho.
Ako
po ay nagtatrabaho sa clinic Emirates Airlines sa Dubai, ibat ibang
lahi at may kanya kanyang shift. Karamihan ng admin personnel ay
hanggang 4:30 pm lamang at panay medical staff, pharmacy at laboratory
staff ang naiiiwan.
Isang
araw ako ay pumunta sa filing section upang hanapin ang file ng aking
pasyente. Madalas may filers sa loob na puwede mo mapag tanungan at
matulungan ka mag hanap ng file. Itong araw na ito ay walang tao doon ni
isa, kahit hindi marunong ay napilitan akong hanapin ang file sa mga
rolling or sliding file cabinets. Dumating ang isang secretary at natuwa
dahil naroon ako at may kasama siya. Sabi niya "I dont like being here
alone, i can't stand it. Aren't you afraid?" nagtaka ako at sinagot "not
really, why?", sabi niya naman "I'm afraid ill be crushed by those
cabinets". Ako naman tumawa lang, pero nagtanong siya ulit "havent you
hear about what happened to Mitch?", sabi ko "no, tell me." Dito na
iikot ang maikling kwento.
Si
Mitch (di tunay na pangalan) ay nagtatrabaho sa occupational health,
siya ay nag aasikaso ng monitoring, referral at coordination ng
appointments ng mga engineer, drivers at iba pang airport employees lalo
na ang mayroong mga industrial injuries. Si Mitch ay madalas nakikita
nakaupo sa waiting area tuwing paglipas ng oras ng kanyang trabaho na
may kausap sa kanyang smartphone or may ka chat.
Isang
hapon ay naisipan niyang magpaiwan sa loob ng opisina dahil mayroon pa
siyang dapat asikasuhin. Lahat ng ka-opisina niya ay nagsiuwian na, ang
buong clinic ay malapit narin magsara kaya naisipan niyang umuwi narin.
Matapos niyang maligpit ang kaniyang desk at maitago ang mga papeles ay
naisipan niyang tawagan ang kanyang asawa. Ang takbo ng usapan nila ay
ang tipong maaasahan mo sa mag asawa meron konting hagikgik at minsan
nama'y asaran. Bago pa matapos ang usapan nila ay may napansin si Mitch,
parang may gumagalaw sa likod nito, akala niya ay guni guni lamang at
hindi niya ito pinansin. Maya maya ay may nahagip ang kanyang mata na
anino, nilingon nito pero wala paring nakita. Nagpatuloy ang kanilang
usapan ng karaniwan ngunit di ito nag tagal. Naramdaman niyang may
presensya sa kanyang likuran. Ramdam niya ang balahibo na tumatayo mula
sa kanyang batok, Itoy parang nakatayo lamang sa likod nya, hindi niya
mapaliwanag and nararamdaman. Marahil sa hindi na niya itong magawang
lingunin ay nakaisip siya ng paraan, naisipan niyang buksan ang video
chat. Pinikit niya ang kanyang mga mata, at dahan dahan itong inimulat.
Napabuntung hininga siya noong nakita nya lamang ang sarili niya at
walang ibang tao sa likod. Mukhang wala namang nahahalata ang kanyang
asawa sa kabila linya. Halos nalimutan na ni Mitch ang pakiramdam na
iyon, nagpatuloy ang video chat ng normal sa loob ng ilang minuto ngunit
pagkalipas ng ilang saglit ay nabigla siya sa kanyang nakita sa kanyang
screen, ang kanyang kinakatakot ay nagkakatotoo, siya ay napasigaw at
umiiyak na tumakbo palabas ng kwarto. Rinig sa buong clinic ang hagulgol
niya at kung tatanungin ang nakakakita ay malamang sasabihin nilang
siya ay Hysterical at mukhang nasisiraan ng bait. Tumawag ng tumawag ang
kanyang asawa pero hindi na niya ito masagot.
Ginawa
ng staff ang lahat para ito ay mapatahan, hindi niya parin masabi kung
anong nangyari. Makalipas ang ilang minuto ay napatahan narin siya.
Nanumbalik siya sa kanyang pagkatino, at ikinuwento ang nangyari sa mga
kasamahan. Matapos non ay umuwi na ito, pilit niyang kinakalimutan ang
pangyayari. Saka na lamang nito napansin ang missed calls ng kanyang
asawa nong pagbaba niya galing sa station ng tren. Agad niya itong
tinawagan, humingi ng pasensya mula sa kanyang asawa habang namumuo muli
ang luha sa kanyang mga mata. Ang unang sambit ng kanyang asawa ay
"Anong nangyari? bakit naputol ang tawag? at bakit ka umiiyak?". Sagot
naman ni Mitch "Eh kasi....*punas ng luha*.. may nakita ako habang naka
on yung camera". "Anong bang nakita mo?" tanong ng asawa, "nong nag
uusap tayo, may lalaking naglakad sa likod ko!" sabay iyak muli ni
Mitch. Walang ibang maririnig sa linya ng halos kalahating minuto
maliban sa mahinang iyak ni Mitch. Nagpaalam na si Mitch dahil malapit
na ito sa bahay nila. Noong pag uwi ay pinag usapan nila ang nangyari at
nung huli may sinabi ang kanyang asawa na nagdulot ng matinding kabog
ng dibdib ni Mitch. "Ma, kanina habang kausap kita..... na..nakita ko
rin yung lalaki dumaan sa likod mo". Nanlaki ang mata ni Mitch.
Dyip ng Pag-ibig
Kwentong Romansa ni Juan P. Amodia
Alam mo dapat kung saan ka hihinto. Kung nakasakay ka sad yip alam mo na dapat kung saan ang patutunguhan nito. Subalit hindi tayo ang may hawak ng manebela. At hindi natin maipara ang sasakyan sa nais nating parkingan.
Nararamdaman natin ang pagmamahal ng isang tao para sa atin. Gusto natin na siya na ang makasama habang buhay. Subalit may mga sitwasyon sa buhay na hindi kayang pigilan. Na siyang dahilan upang maudlot ang inaasam sa masayang relasyon.
Magka-klase sina Randy at Charise. Hindi lang basta magka-klase. Tinuring pa nila ang isa’t isa na mag bestfriend. Ngunit sabi nga nila sa pagkakaibigan nagsisimula ang lahat.
Palaging magkasama ang dalawa. Kung may lalakarin si Randy ay yayayain nito na sumama si Charise. Ganoon din si Charise sa kanya. Anupa’I halos lahat ng oras sa paaralan ay magkasama sila.
Kilalang-kilala na ng dalawa ang isa’t isa, ang pag-uugali, ang mga ayaw at gusto. Pareho din silang magaling magbigay ng mga advice. Kaya pag may problema ang isa ay tinutulunagan ng isa. Nakasentro din kasi sa Diyos ang buhay nilang dalawa kaya madaling magkasundo at parehong maunawain.
Napansin ng kanilang mga ka-klase ang pagiging malapit nila sa isa’t isa. Kaya may nagtanong sa kanila tungkol sa estado ng kanilang pagkakaibigan.
Oe, sagutin nga ninyo kami.. magkasintahan ba kayo? Tanong ng isa nilang ka-klase.
Nagkatinginan ang dalawa, sabay ngiti.
Hindi, magbest friend lang kami. “Sagot ni Charise.”
Masaya lang kami sa isa’t isa kaya gusto naming palagi magkasama, diba best..? dugtong naman ni Randy.
Oo naman, high-five sagot naman ni Charise.
Ngunit sa tagal tagal ng kanilang pagsasama mula 1st year hanggang 3rd year high school , ang madalas na pagsasamang iyon ng magkaibigan ay humantong sa mas malaim na pagtitinginan.
Hay! Anu ba itong nararamdaman ko sa kaibigan ko. Parang hindi ako makatiis na hindi ko siya makasama. Parang gusto ko siyang Makita palagi. Lagi na lang siyang nasa isipan ko. Hay Charise, patawad kong mamahalin pa kita higit sa pagiging bestfriend. Ang sabi ni Randy sa sarili habang hindi siya makatulog sa kaka-imagine kay Charise.
Mabilis na uminog ang panahon at nasa 4th year high school na sila.
Sa panahong ito, lalong tumindi ang pag-ibig na nararamdaman ni Randy kay Charise.Subalit ni minsan ay hindi pa rin masabi ang kanyang nararamdaman sa kaibigan. Takot kasi siya na baka sa kanyang pagtatapat ay lalayuan siya ng kanyang bestfriend.
Kontento na muna siya na kasama ang kaibigan. Kahit na nagdududa na ang kanilang mga ka-klase sa ipinapaikita nilkang kilos.
Mabalas silang makitang magtambay sa bench sa ilalim ng puno ng langka sa kanilang paaralan, magka holding hands.. At nmagkasabay pa sila tuwing uuwi at minsan magkasabay din kung pumasok sa paaralan.
Oe, guys, maniniwala pa ba kayong hindi magkasintahn yang dalawang iyan. Tingnan n’yo ang sweet-sweet.
Oe, Charise, umamin ka na. Kayo na ba? Sinagot mo na ba yan? Tanong ng ka-klase nilang si Hezron.
Hindi umimik si Charise, ngunit tumitig ito sa mga mata ni Randy at ngumingiti.
Isang araw, nagtanong si Charise kay Randy.
“Best, malapit na ang Seniors Ball, may partner ka na ba?
Wala pa. Hindi ba pwedeng ikaw na lang ang partner ko?” sagot ni randy na may kasamang pagyayaya.”
Sige bah, ayoko yatang iba ang ka-partner ko sa ball. Partner tayo best ha.. I love you best..
Unang beses na narinig ni Randy ang salitang iyon galling sa kaibigan. Inspired na inspired siya sa araw na iyon.
Kinabukasan ay lumapit si Yasmien kay Randy. Si Yasmien ay ang 1st year highschool na pamangkin ni Charise.
Subscribe to:
Posts (Atom)